Who else but myself…

 

Sino bang dapat sisihin,  kundi ang mga sarili natin sa ating pagiging delingkwente in the past sem?

Sabi nga ni Kirstie kay Jeff:

 

 

            ‘wag mong isisi sa iba, sa mga magulang mo, sa mga kaibigan mo, sa prof mo o sa mga classmates mo kung bakit ka bumagsak sa isang subject, walang ibang dapat sisihin kundi ikaw!’

 

 

Ahaha…very well said.

Natatamaan tuloy ako, at hindi ko siguro ‘to mari-realize kung hindi pa malapit ng matapos ang sem at nararamdaman ko ng tagilid na ako sa mga subjects ko this sem.

 

 

ES 11:

Isang napaka-madugong subject na kelangang pagdaanan ng halos lahat ng engineering students, pero anong ginawa ko, 2 out of 5 exams lang ang pinasa ko! Hindi mag-aaral hangga’t hindi pa araw ng exam. Tsktsk…

 

 

Grade – 3.0

 

 

GE 10:

Hindi ko ‘to major pero required bilang ako ay isang civil engg major. At ibig sabihin, kelangang magpakita ng kahusayan. Siguro sa una, mataas pa ang nakuha ko at napasok pa ako sa top5 *winkwink*. Ngunit nang sumunod na exam, lagapak! Isa ako sa pinakamababa at bagsak…ito’y dahil lang sa isang maling sukat ng angle at isang topic na dinaanan lang ng aking mga mata sa aking libro; dahilan para hilahin ang aking score sa naunang exam.

 

 

Grade – 2.75

 

 

PHYSICS 72:

Isa sa tatlong physics subjects na kelangan kong pagdaanan. Ok given, sabi nila mahirap daw ito compared sa 71 at 73. pero ang masaklap, mahirap na nga, hindi ko pa pinaglaanan ng pansin. Sa 4 exams nito, 4 na beses lang din ako nag-aral, at ito ang apat na gabi (at madaling araw) bago ang exam kinabukasan. Magaling, magaling!

 

 

Grade – 2.75

 

CWTS 1 – MMME:

Isang beses na nga lang ito required (bilang ang isa ay CWTS 2), hindi ko pa na-attand-an ang iba nitong requirements dahil ibang araw at may conflict sa aking PE. Hay, tuloy uulit ako ulit next sem.

 

Grade – It’s complicated (I dunno kung FORCED DROP o SINGKO!)

 

 

Yan ang naging buhay ko for the past sem.

Kaya mga bata, wag niyo itong gagayahin.

Mag-aral na lang kayo ng mabuti.

At ako, babawi na lang ako next sem (na naman! Tskstsk…)

Advertisements