it’s such a nice, unanticipated and a strange experience.

akala ko dati nasa isang isolated/deserted place ang new bilibid prison (nbp), but no,  para syang isang kahariang nasa malayong lugar, dahil na rin sa itsura ng building nito. from valenzuela to muntinlupa, almost five rides. first is a jeepney ride to lrt. nag-lrt kame from monumento to baclaran, it’s my first time to go to baclaran church, see la salle, manila city hall and post office and the pgh. from baclaran station, nag-jeep kame papuntang alabang, another jeep papuntang poblacion. lastly, nag-trike papasok ng nbp compound. nasa baba ung 3 pics na nakuha ko going inside nbp entrance, isang lagoon (national historical park, accdg sa nakalagay don), and the facade. we went through some inspections before going into the prisoners’ area. if you imagine that those people inside committed crimes, matatakot ka talaga. pero kung titingnan mo sila ng mabuti, mas mangingibabaw ang mga among mukha nila, despite of their tattoos all over their bodies. before entering, we have to submit our mobile phones and other accessories to a deposit counter. that is because bawal ang electronic devices, earphones, kahit charger, pointed objects and even food stuff. anyways, ng dinalaw nga pala namin (my mom, tito, tita, and my 2 cousins) ay yung anak ng tito ko sa una nyang asawa, in short parang pinsan ko na rin. before finally leaving the complex, dumaan muna kame sa parang ‘plaza’ nila where visitors usually spend their time. don may basketball court videoke, pond, bakery and sarisari stores at mga nagtitinda ng souvenir items na handcrafted ng mga prisoners.

to my surprise, when we arrived, kinwento sa ken ng tita ko na one my cousin’s inmates is isa sa mga suspects ng rape-murder case ng dalawang babae na tinapon sa isang bangin sa cebu. nakakagulat, hindi dahil sa kwento kundi dahil sa kung sino ang gumawa. hindi naman sya totally strange dahil at least hindi na ako ignorante sa ganung situation. ang masasabi ko lang, hindi ko inaasahan na marameng mga taong wala sa mukha ang kanilang mga ugali. at in fairness, hindi dahil nakagawa sila ng kasalanan ay hindi ibig sabihin ganon na ang kanilang image habangbuhay, mababait pa rin naman sila.

   

Advertisements