ten.

puno at siksikan, ang huling pasahero ay tumabi sayo. nakaready ka nang umupo sa edge para makamove in sya. but no, hindi pa rin sya umupo ng sagad at ngayon ay pareho na kayong dalawa na nahihirapang isiksik ang pwet sa edge. at tingin mo ay wala rin syang balak mag move inwards, nakakainis di ba?

nayn.

may isang pasahero na nagaabot ng bayad ngunit ang iba mong katabi ay walang pakialam kaya no choice ka na abutin na lang yun kahit 5 tao ang pagitan nyo. sana sa pagsakay mo sa jeep ay tanggapin mo rin ang social responsibility na mag-abot ng bayad.

eyt.

the other way around, may nag-aabot ng bayad mula sa pasaherong nasa dulo ng jeep at may isang excited na pasaherong nasa likod ni manong driver na nakaextend na ang kamay at tipong nagpepresenta na siya na lang ang mag-abot ng bayad. excited nga.

seben.

bumaba ang maraming pasahero sa isang jeepney stop, ibig sabihin ay maluwag/lumuwag na ang jeep, ngunit ang katabi ay ayaw pa ring umuusog kahit na umusog ka at iparamdam mo sa kanya na umusog na dapat na siyang umusog. medyo nakakainis pag masyado na ata kayong intimate.

siks.

in line with that, may isang pasaherong sumakay at naghahanap ng mauupuan. at ang gagawin naman ng iba, uusog sila ng uusog hanggang ang matirang upuan ay yung nasa likod na nag driver. eh pano kung matanda yun o kaya buntis, tsktsk!

payb.

sa kabilang banda, may mga taong kebs lang kung may pasaherong sumakay at ang ibang mga nakaupo ay walang balak o ayaw umusog. mas nakakainis kung ikaw yung taong naghahanap ng mauupuan, tsk.

por.

dahil na rin siguro sa ingay ng tao at mga sasakyan, hindi narinig ng driver na pumara ka na 30 segundo na ang nakakaraan. kawawa ka naman, kaya simulan mo nang maglakad pabalik.

tri.

pumunta naman tayo kay manong driver, nakakainis pag pumepreno kayo ng halos kada limang segundo, yung tipong magaadjust palang ang mga pasahero pabalik sa original posisyon nila ay pumreno na ulit kayo. mukha tuloy nagcha-chacha ang mga tao sa loob. hay…

tu.

at once na pumreno nang matindi si manong driver, lahat ng di alerto ay magugulat, lahat ng di nakahawak ay matutumba, lahat ng natutulog ay magigising, lahat ng nagsasalita ay mapapatigil at higit sa lahat ng pinakamatindi, lahat kayo ay mapupunta sa likod niya! bwisit.

pinaka.

at kung etiquette at dignidad ang paguusapan, maghintay ka na lang kung kelan ibalik ang sukli mo o kaya sabihin mo sa driver na hindi ka pa nasusuklian, hindi yung isisigaw mo pa na ‘MANONG YUNG SUKLI HO NG SAMPUNG PISO!!!’, o di ba nakakahiya. mawawalan ka talaga ng dignidad dude…

Advertisements