After ng Candaba, ngayon na lang ako ulit nakapag-birdwatching. Exciting pa rin. Di man naming nakita ang hinahanap naming Oriental Cuckoo at Black-naped Oriole.

an uncommon migrant in UP Diliman: oriental cuckoo

ang mailap na black-naped oriole

nakakita naman kami ng Philippine Woodpecker.

nawala ang dismaya namin ng makita namin to, Philippine Woodpecker 😀

Marami pa kaming na-spot-an tulad ng Golden-bellied Flyeater, Yellow-vented Bulbul at Brown Shrike sa isang puno ng Balete sa left side ng amphitheater.

ang maliliit na golden-bellied flyeater

the small predator, Brown Shrike

my lifebird: yellow-vented bulbul 😀

At syempre di rin mawawala ang mga Pied Fantail at Eurasian Tree Sparrows aka maya. Kewl. Meron ding 2 bird species sa may beta way na di naming ma-identify ni Marky kung anong ibon sila, kung Little Pied Flycatcher ba or hindi at isang black and white na small-sized bird na nakatayo sa isang sanga ng puno few meters away from the walkway. May nakita rin kaming isang malaking white na bird na lumilipad sa himpapawid, sa may Quezon Hall, at di namin makita ng maayos kung ano sya (egret?).

pied fantail

Eurasian tree sparrow aka MAYA :p

little pied flycatcher

Ang fail ko lang dahil di pa ako masyado nakaka-distinguish ng ibon from afar at mga huni nila. Pero I think this is the start! Yeah! Bukas ulit!!! 😀


Advertisements